Hopeless Romantic

Talking about love.

Kinakain ba ‘to? Iniinum? Nilalaro? Napagaaralan?

Nagkaroon na ko ng First Love pero hindi gaya ng iba na nagiging girlfriend/boyfriend nila yung mga first love nila, ako hindi.

Nung una hindi ko naman sya napapansin sa Klase, dinadaan-daanan ko lang sya. Pero in the middle of school year narealize ko nalang na tinitignan ko na pala sya ng walang dahilan, kinakabahan kapag makikita sya, magbablush kapag kakausapin nya ko at minsan pa susundan mo sya ng tingin. Tapos yun narealize ko nalang na Crush ko sya…

Then, nakuha ko number nya dun sa isa sa malapit sakanya na classmate din namin saktong malapit din sakin yung malapit sakanya. Dahil nga One-Sided Love ako unang nagtext kasi kahit naman ibigay ko sakanya number ko hindi naman nya ko itetext so ayun. Hanggang sa nagkakatext kami every weekends or pag may load. Nandyan yung kunwaring Group Message pero sakanya lang isesend, yung pakikipaglaban ka sa antok dahil katext mo pa sya at yung mga panahon na gagawin ko ang lahat magkaload lang dahil may load sya.

Hindi naman sya mahirap katext dahil kung anong trip ko sinasakyan nya, yung mga topic na kalokohan at minsan pa medyo personal. Pero nung tinanong ko sya about sa mga naging GFs nya ang alam ko lang na sinabi nya eh hindi sya tulad ng iba na nagkwekwento ng kung ano-ano tungkol sa GFs nya. Such a Gentleman person.

Dumating ang Juniors Prom na hindi naman dapat talaga ako pupunta napilitan lang ako dahil sa yung bestfriend ko pa yung nagbayad ng ticket ko para lang pumunta ako, ewan ko ba dun sayang naman kung hindi ako pupunta kaya in the end pumunta ako. Dahil sa Classroom ang meeting place, nandun lahat ng pumunta syempre nandun din sya. Nung time na kailangan pumila by partners (babae at lalaki), Since pulubi ako sa escort (dahil ako ang escort LOLs) naisip kong pumila sa bandang dulo, pero hindi natuloy since sabi nya kami nalang daw ang partner… woah. Nagulat talaga ako nun promise! Tapos para nakong high na high nung nasa quadrangle na kami, pero pinakamasayang part nun nung nagsayaw kami hindi lang isa kundi dalawang beses pa. Hihihihi. Tapos nung medyo midnight na, halos lahat nakaupo na dahil uwian na… kinuha na nung bestfriend kong guy ang kanyang coat dahil uuwi na sya, eh di no choice ako kundi ibigay. That time magkatext kami… pero hindi ko naman sinasadya na sabihing giniginaw na ko dahil wala na yung coat nung besfriend ko, Tumayo  sya sa kinauupuan nya at inabot sakin yung coat nya nung una tumanggi pa ko kasi pauwi narin ako nun naghihintay nalang ng oras pero pinilit nya so kinuha ko naman. Isa lang ang nasabi ko sa sarili ko nun… ang bango ng coat nya.

A month after kailangan ng magpart ng ways dahil 4th year na, maghihiwalay-hiwalay na ang magkakabarkada. Ang masakit nun pati sya hindi ko na magiging kaklase, hindi na ko maeexcite pumasok dahil wala sya, hindi na ko mageenjoy magrecite dahil wala na akong dahilan na magpaimpress pa at yung hindi ko na sya makikita sa loob ng maraming panahon… nakakalungkot.

Pero kahit na alam namin na hindi na kami magkakaklase nagtetext parin kami kahit sya, nakakatext ko parin.

In the middle of nowhere nasabi nya sa text na uuwi sya ng province nila na dun na sya magtatapos ng high school… ako naman biglang napaiyak, as in umiyak ako nung time na yun, ang daming pumasok sa utak ko… tulad ng hindi ko na talaga sya makikita kahit sa school, kahit sa canteen, pano kung mawala na kami ng communication at kung anu-ano pang ‘Hindi na’. Dahil magkatext kami, natural na sakin na sabihin yung mga bagay na nangyayari sakin katulad nalang na umiiyak ako that time at sabi nya ngumiti lang daw ako saktong nagplayback yung kantang When I see you smile ni Kris Lawrence, shoot na shoot sa timing.

After nung nasa province na sya hindi na kaming masyadong nagkakatext. Hanggang sa wala na talaga.

Dumating ang Enrollment ng 4th Years wala sya…

Dumating ang Start ng School Year at Booooooooom! Nakita ko sya! Nakita ko ulit sya! Yun nga lang hindi na kami magclassmate talaga, pero napakasaya ko lang kasi nakita ko ulit sya. Ang saya-saya.

Simula nun, lagi na kong tambay sa corridor at pinto ng room namin or madalas malapit sa pinto or bintana ako ng room umuupo para nakikita ko yung classroom nila. Masaya na ko nun kapag nasaktuhan ko syang nasa labas ng room nila… or pinakamasaya kapag nakikita ko sya ng malapitan.

Hanggang ngayon hindi na kami nagkakatext… friend ko sya sa Facebook pero hindi nya na ako minemessage, huling chat namin last year pa. Pero okay na naman ako wala na yung kilig ko for him, masaya na ko na Nakilala ko sya.

…..

And As far As I remember sinabi ko sakanya dati (sa text) na I like him and he replied…

 

 

“Thank you.”

Note: Taken na sya🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s