Blogging

When I was younger, I thought that I need to be famous to blog.  I should be someone special so others would read my blog. But now, almost everyone owns a blog. They usually write about their hobbies, life, share their thoughts and feelings, etc.

And now that I’ve grown-up, I started to realize that blogging is fun. Not only to share your thoughts but also relieve your stress by writing. Who cares if no one reads your blog? Haha. It could be a better way to improve yourself. It is one reason why I am actually blogging. Another one is to improve my English skills so as my WordPress skills. Since WordPress is pretty popular these days.

 So tell me, why do you blog?

signature 3

Hanggang diyan ka na lang ba?

Ang mga kabataan ngayon ay mas nagiging emosyonal na ngayon base sa nakikita ko. Nung nag college ako may mga nababalitaan nalang ako na mga high school students na nag lalaslas. Ang dahilan nila nakakapag labas sila ng stress dahil don. Ha? At may mga lumalabas na naman na mga balita na mga bata na nagpapakamatay dahil din sa bigat ng problema. Ang buhay ko ay hindi perpekto, nagkakaroon din ako ng mga problema at may pagkakataon din na maiisip mo talaga ang masasamang bagay. Pero habang tumatanda ako napapaisip ako… Talaga bang naging pangit ang buhay ko o sadyang sa isip ko lang un?

Madalas nakakalimutan na natin na madami palang nangyaring maganda sa buhay natin pero dahil sa sobrang lungkot o dala ng emosyon nakakalimutan natin un at madalas na iniisip natin na di tayo masaya. Pero bat di nating subukang lumingon. Tiyak ako mapapaisip ka, kayo, tayo na “naging masaya pala ako”.

Ang dahilan naman talaga kaya malungkot ang isang tao ay dahil sa kanya mismo. Walang ibang dapat sisisihin kundi sarili. At walang ibang pwedeng magtama kundi sarili.

Sabi nga nila matuto tayong mahalin ang lahat ng magagandang bagay sa buhay natin at tiyak ako magiging masaya ka. Lahat ng problema gawing leksyon sa buhay. At ang mga magagandang alaala ay gawing inspirasyon.

 Hanggang diyan ka na lang ba? Magpapadala ka nalang ba sa problema? O lalaban ka para maging Masaya…

signature 3

Hopeless Romantic

Talking about love.

Kinakain ba ‘to? Iniinum? Nilalaro? Napagaaralan?

Nagkaroon na ko ng First Love pero hindi gaya ng iba na nagiging girlfriend/boyfriend nila yung mga first love nila, ako hindi.

Nung una hindi ko naman sya napapansin sa Klase, dinadaan-daanan ko lang sya. Pero in the middle of school year narealize ko nalang na tinitignan ko na pala sya ng walang dahilan, kinakabahan kapag makikita sya, magbablush kapag kakausapin nya ko at minsan pa susundan mo sya ng tingin. Tapos yun narealize ko nalang na Crush ko sya…

Then, nakuha ko number nya dun sa isa sa malapit sakanya na classmate din namin saktong malapit din sakin yung malapit sakanya. Dahil nga One-Sided Love ako unang nagtext kasi kahit naman ibigay ko sakanya number ko hindi naman nya ko itetext so ayun. Hanggang sa nagkakatext kami every weekends or pag may load. Nandyan yung kunwaring Group Message pero sakanya lang isesend, yung pakikipaglaban ka sa antok dahil katext mo pa sya at yung mga panahon na gagawin ko ang lahat magkaload lang dahil may load sya.

Hindi naman sya mahirap katext dahil kung anong trip ko sinasakyan nya, yung mga topic na kalokohan at minsan pa medyo personal. Pero nung tinanong ko sya about sa mga naging GFs nya ang alam ko lang na sinabi nya eh hindi sya tulad ng iba na nagkwekwento ng kung ano-ano tungkol sa GFs nya. Such a Gentleman person.

Dumating ang Juniors Prom na hindi naman dapat talaga ako pupunta napilitan lang ako dahil sa yung bestfriend ko pa yung nagbayad ng ticket ko para lang pumunta ako, ewan ko ba dun sayang naman kung hindi ako pupunta kaya in the end pumunta ako. Dahil sa Classroom ang meeting place, nandun lahat ng pumunta syempre nandun din sya. Nung time na kailangan pumila by partners (babae at lalaki), Since pulubi ako sa escort (dahil ako ang escort LOLs) naisip kong pumila sa bandang dulo, pero hindi natuloy since sabi nya kami nalang daw ang partner… woah. Nagulat talaga ako nun promise! Tapos para nakong high na high nung nasa quadrangle na kami, pero pinakamasayang part nun nung nagsayaw kami hindi lang isa kundi dalawang beses pa. Hihihihi. Tapos nung medyo midnight na, halos lahat nakaupo na dahil uwian na… kinuha na nung bestfriend kong guy ang kanyang coat dahil uuwi na sya, eh di no choice ako kundi ibigay. That time magkatext kami… pero hindi ko naman sinasadya na sabihing giniginaw na ko dahil wala na yung coat nung besfriend ko, Tumayo  sya sa kinauupuan nya at inabot sakin yung coat nya nung una tumanggi pa ko kasi pauwi narin ako nun naghihintay nalang ng oras pero pinilit nya so kinuha ko naman. Isa lang ang nasabi ko sa sarili ko nun… ang bango ng coat nya.

A month after kailangan ng magpart ng ways dahil 4th year na, maghihiwalay-hiwalay na ang magkakabarkada. Ang masakit nun pati sya hindi ko na magiging kaklase, hindi na ko maeexcite pumasok dahil wala sya, hindi na ko mageenjoy magrecite dahil wala na akong dahilan na magpaimpress pa at yung hindi ko na sya makikita sa loob ng maraming panahon… nakakalungkot.

Pero kahit na alam namin na hindi na kami magkakaklase nagtetext parin kami kahit sya, nakakatext ko parin.

In the middle of nowhere nasabi nya sa text na uuwi sya ng province nila na dun na sya magtatapos ng high school… ako naman biglang napaiyak, as in umiyak ako nung time na yun, ang daming pumasok sa utak ko… tulad ng hindi ko na talaga sya makikita kahit sa school, kahit sa canteen, pano kung mawala na kami ng communication at kung anu-ano pang ‘Hindi na’. Dahil magkatext kami, natural na sakin na sabihin yung mga bagay na nangyayari sakin katulad nalang na umiiyak ako that time at sabi nya ngumiti lang daw ako saktong nagplayback yung kantang When I see you smile ni Kris Lawrence, shoot na shoot sa timing.

After nung nasa province na sya hindi na kaming masyadong nagkakatext. Hanggang sa wala na talaga.

Dumating ang Enrollment ng 4th Years wala sya…

Dumating ang Start ng School Year at Booooooooom! Nakita ko sya! Nakita ko ulit sya! Yun nga lang hindi na kami magclassmate talaga, pero napakasaya ko lang kasi nakita ko ulit sya. Ang saya-saya.

Simula nun, lagi na kong tambay sa corridor at pinto ng room namin or madalas malapit sa pinto or bintana ako ng room umuupo para nakikita ko yung classroom nila. Masaya na ko nun kapag nasaktuhan ko syang nasa labas ng room nila… or pinakamasaya kapag nakikita ko sya ng malapitan.

Hanggang ngayon hindi na kami nagkakatext… friend ko sya sa Facebook pero hindi nya na ako minemessage, huling chat namin last year pa. Pero okay na naman ako wala na yung kilig ko for him, masaya na ko na Nakilala ko sya.

…..

And As far As I remember sinabi ko sakanya dati (sa text) na I like him and he replied…

 

 

“Thank you.”

Note: Taken na sya🙂

Psychological Facts

Ang mga masayang tao ay mas may posibilidad na ma-inlove dahil ang kanilang kaligayahan ay nagdudulot din ng kasiyahan sa iba. ang mga taong may mababang tiwala sa sarili ay may 80% na posibilidad na manghusga sa ibang tao o laitin sila para maramdaman sa sarili nila na sila ay matalino at mas nakakaangat. pero ang mga tao na may tiwala sa sarili ay mas malaki ang posibilidad na tanggapin ang katotohanan at maging masaya.

Ang mga taong madaling ma-distract ay mas nakakaangat sa ibang tao sa pagiging malikhain. ang utak ng isang tao na naglalaan ng oras para mag-isip ay nagdudulot sa katawan na makatukaw ng mahigit sa 300 calories sa isang araw.

Ang panghihingi ng bayad kapalit ng paggawa ng isang bagay an gusto mo ay makakapagdulot sa’yo na hindi maging malikhain. mas makakaramdam ang isang tao ng kasiyahan kapag siya ay palangiti. mas nabubuhay ng matagal ang mga taong ” slightly over weight” .

Ang mga “Lie detector test” ay maaaring dayain sapamamagitan ng pagkagat ng dila. Ang mga tao na mataas ang “emotional Intelligence” ay mas nagiging matagumpay kaysa sa mga taong matas ang IQ.

Ang ating utak ay mayroong tinatawag na special mirror neurons na makakatulong saatin para malaman ang nararamdaman ng iba at gayahin ang kanilang kilos. Ang mga babae ay mas magagaling sapakikipag-usap at pagbibigay solusyon sa problema kaysa sa mga lalaki.

nakakalimutan ng isang tao ang 90% na detalye sa kanyang panaginip. Sa 5 minuto na ikaw ay nakabangon na, kalahati na ng panaginip mo ang iyong nakalimutan. Ang mga tao ay nananaginip lamang ng tungkol sa mga bagay o tao na alam nila. Kapag tayo ay nananaginip, ang tao dito ay hindi lamang gawa-gawa ng ating isip kundi mga totoong tao na maaaring nakilala natin ngunit hindi lang natin matandaan.

Ang ating katawan ay paralyzed habang tayo ay natutulog. Kapag ang isang tao ay humihilik habang natutulog, hindi siya nananaginip.

Mas natatandaan ng isang tao nag kanyang panaginip kapag siya ay bigla na lang nagising ng wala sa oras.

Ang pagiging malungkot ay mas nadadagdagan kapag ang isang tao ay nagkukunwaring masaya.

Kapag ang isang tao ay tumatawa kahit sa mga pinakasimpleng bagay, ang taong iyon ay may malalim na kalungkutan.

kapag ang isang tao ay minsan lang magsalita at masyadong mabilis magsalita, siya ay may tinatagong sikreto.

Ang isang tao na hindi kayang umiyak ay mahina. Ang isang taong umiiyak sa mababaw na dahilan ay inosente.

Ang isang tao na madaling magalit kahit sa mga mababaw na dahilan ay INLOVE !

 

-F.A.Y.H.S

Pretending you’re Here

You maybe miles and miles away, but still you’re with me every day. the miles just seem to disappear making believe you are here.

Each night when i sat down to dine you’re on the chair away from mine. Your bright smile wipes away my tears  making believe you’re with me.

a photograph you turned in half was back in the frame again, but once a heart was torn-apart it never be the same again.

The only dream i adhere to is not at all like holding you to cure the pain i feel within.

I have to make believe you’re here.

F.A.Y.H.S